-- Advertisements --
Nagpahayag ng kahandaan si US President Donald Trump na personal na makaharap sina Russian President Vladimir Putin at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Kinumpirma ng White House na bukas si Trump na magkaroon ng harapang pag-uusap ng tatlong lider para matapos na ang kaguluhan sa dalawang bansa.
Sa unang araw kasi ng pag-upo ni Trump ay nangako ito na plano nitong wakasan na ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Magugunitang personal na nagkaharap si Trump at Zelensky sa White House kung saan naging tensiyonado ito habang sa telepono lamang niya nakausap si Putin.
Isa ang US na namamagitan para magkasundo ang dalawang bansa at matigil na ang mahigit na tatlong taon na giyera.