Nagbitiw na si Surigao del Sur 1st District Rep. Romeo Momo Sr. bilang miyembro ng Bicameral Conference Committee (Bicam) para sa panukalang P6.793 trilyong 2026 national budget.
Iginiit ni Momo na ang kanyang desisyon ay hindi pag-amin ng kasalanan kundi bilang respeto sa proseso ng lehislatura.
Aniya, nais niyang maiwasan na makaladkad ang budget deliberation sa mga personal na isyung ipinupukol laban sa kanya.
Kahapon ay sinampahan siya ng reklamo plunder, graft at iba pa ni Atty. Mary Helen Polinar Zafra si Momo, bilang kinatawan ng mga grupo mula sa Surigao.
Ang bicam ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Senado at Kamara na nagtatagpo upang pag-isahin ang magkaibang bersyon ng pambansang budget.
Kabilang sa mga prayoridad ng 2026 budget ang edukasyon, kalusugan, imprastruktura, at social protection programs.
Sa Kamara, pinamumunuan ni Appropriations Committee Chair Mika Suansing ang bicam kasama ang iba pang kongresista.
Naniniwala si Momo na ang kanyang pagbibitiw ay makatutulong upang mapanatili ang kredibilidad at integridad ng proseso ng pambansang budget.
















