-- Advertisements --

Loops: Roma Rimando, Atty. Cornelio Samaniego, St. Timothy Construction, Discaya, Pasig Police Chief PCol. Hendrix Mangaldan

Kusang sumuko sa Pasig City Police nitong Lunes ng gabi si Roma Rimando, presidente ng St. Timothy Construction Corporation, na pagmamay-ari ng government contractor na Discaya.

Kinumpirma ito ng abogado ni Rimando na si Atty. Cornelio Samaniego, na personal na nagdala kay Rimando sa opisina ni Pasig Police Chief PCol. Hendrix Mangaldan.

Isinuko rin ni Rimando ang kanyang pasaporte bilang patunay na wala siyang intensyong tumakas.

Ayon Kay Atty. Samaniego, bahagi ito ng matagal nang legal strategy at desisyon ng kaniyang kliyente upang maiwasan pang lumala ang sitwasyon.

Wala pang inilalabas na arrest warrant, kaya pansamantala munang mananatili si Rimando sa Pasig Police Station.

Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa mga transaksyon ng naturang construction company.