Umatras si Senator Jinggoy Estrada na maging miyembro ng bicameral conference committee para sa panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.
Binasa ni Senate Majority Juan Miguel Zubiri ang isinumiteng request letter ni Estrada sa Senate plenary session nitong Martes, matapos aprubahan ng Senado ang resolusyon para sa pagpapalawig pa ng legislative calendar ng Congress para sa pagpasa ng 2026 budget bago matapos ang kasalukuyang taon.
Naniniwala si Zubiri na umatras si Estrada sa kaniyang posisyon sa bicam para ikonsidera ng body.
Nilinaw naman ni Zubiri na ang desisyon ng Senado para italaga si Estrada bilang isa sa mga miyembro ng bicameral conference committee ay dahil awtomatiko itong ibinibigay sa Senate Finance Committee chairperson at vice chairperson ng subcommittee nito.
Paliwanag pa ng majority leader na ang posisyon sa bicam ay hindi pinili ng sinuman at hindi rin isang special privilege. Lahat aniya ng mga miyembrong nakalista sa bicam ay sub-committee chairmen o vice chairmen.
Kaugnay nito, nag-mosyon si Senate President Vicente Sotto III na aprubahan ang request ni Sen. Estrada at i-withdraw ang kaniyang designation sa bicam.
Nauna ng itinalaga si Sen. Jinggoy ng Senado bilang isa sa mga miyembro ng bicameral conference committee para himayin ng mabuti ang magkasalungat na mga probisyon sa bersiyon ng Senado at Kamara kaugnay sa 2026 budget.
















