-- Advertisements --

Tiniyak ni Committee on Finance Chairperson Sen. Sherwin Gatchalian na mayroong nakalaang budget para sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program sa ilalim ng 2026 Budget.

Ani Gatchalian, nakalaan sa ilalim ng programa ang halos P9 bilyong piso na siyang naglalayon para sa mas mabilis na learning recovery ng mga estudyante.

Batay kasi sa naging pagtataya ng Department of Education (DepEd), sa ilalim ng programa, nagkaroon ng improvement ng halos limang puntos ang reading readiness ng mga estudyanteng nasa mga baitang 3 hanggang 6 habang ang mga nasa baitang 7 hanggang 10 naman ay nagkaroon ng anim hanggang siyam na puntos.

Aniya, ito ay pagpapakita lamang ng suporta ng pamahalaan sa pagpapatupad ng ARAL program para maibsan ang krisis sa edukasyon na matagal na aniyang kinahaharap ng bansa.

Samantala, sa ilalim ng 2026 national budget, ang bilyong pondo ay nakahanda para mabigyan tulong ang halos 440,000 na mga tutors na maabot ang target na 6.7 milyong mga magaaral para sa school year 2026-2027.