Inalmahan ni Kamanggagawa Party-list Representative Eli San Fernando ang pahayag ni Executive Secretary Ralph Recto na “pork-free” ang 2026 national budget.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, mariing tinutulan ito ng mambabatas at tinawag na isang kasinungalingan na walang pork barrel funds sa pambansang badyet ngayong taon.
Giit ng mambabatas na tadtad pa rin ng “discretionary-style funding” at allocations ang naturang pondo.
Ilan sa mga tinukoy ng baguhang mambabatas ang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at iba pang ayuda programs na hindi aniya ginalaw ng Pangulo.
Nang matanong ang kongresista kung magkano ang halaga ng pork barrel funds na isinama sa 2026 budget, tugon ni Rep. San Fernando na nasa ₱138 billion ang kabuuang halaga ng mga ayuda programs kung pagsasamahin sa ilalim ng programmed appropriations na kabilang sa pinupuna ng budget watchdogs at ipinapanawagang i-veto ng Pangulo.
Nilinaw ni Rep. San Fernando na hindi siya tutol sa pagbibigay ng ayuda kundi sa pagkasangkapan dito para sa patronage. Inilarawan ito ng mambabatas bilang “highly discretionary” na mga pulitiko ang may kontrol.
Sa unprogrammed appropriations naman, pinuna ng mambabatas ang alokasyon para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization program na dapat aniya ay vineto ng Pangulo. Paliwanag ng kongresista na bagamat hindi ito masama lumalabas na nagkaroon ng “duplication” dahil mayroon ng nakalaan para dito sa ilalim ng special purpose fund para sa militar. Tinatayang nasa ₱90 billion umano ang kabuuang halaga na nakalaan sa programa.
Ilan pa sa mga kinuwestyon ng mambabatas ang pag-veto ng Pangulo sa Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) at Revitalizing the Automotive Industry for Competitiveness Enhancement (RACE) sa ilalim ng DTI, mga programang nakatuon sa pagsuporta ng gobyerno sa industriya ng manupaktura ng sasakyan na lilikha sana ng mga oportunidad sa trabaho.
ep;Ilan pa sa mga kinuwestyon ng mambabatas ang pag-veto ng Pangulo sa Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) at Revitalizing the Automotive Industry for Competitiveness Enhancement (RACE) sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI), mga programang nakatuon sa pagsuporta ng gobyerno sa industriya ng manupaktura ng sasakyan na lilikha sana ng mga oportunidad sa trabaho.
Pinuna rin ng mambabatas ang umano’y bicameral insertions tulad ng ₱8 billion farm-to-market roads project na hindi dumaan sa pagbusisi ng Senado at Kamara at isiningit lang ng bicam.
Sa kabila nito, ipinunto rin ng mambabatas ang ilang positive side ng 2026 budget kabilang ang mga ginawang reporma ng Kongreso at administrasyon kung saan binuksan sa publiko ang bicameral conference committee, tinaasan ang pondo para sa agrikultura at edukasyon.














