-- Advertisements --

Nahaharap sa panibagong patung-patong na reklamo sina Executive Secretary Ralph Recto at dating Philippine Healthn Insurance Corp. (PhilHealth) President Emmanuel Ledesma Jr.

Ito ay matapos maghain ng ikalawang set ng reklamong plunder, technical malversation at graft ang mga doctor, health advocates at mga abogado sa Office of the Ombudsman laban kina Recto at Laguesma.

Ang isinampang reklamo ay may kinalaman sa paglilipat ng P60 biyong halaga ng excess reserve funds sa national treasury.

Sa 31 pahinang reklamo, hiniling ng grupo sa anti-graft court ang pagsasagawa ng preliminary investigation para matukoy kung may pananagutag kriminal at administratibo sina Recto at Laguesma kabilang ang grave misconduct.

Giit ng grupo na ang paglilipat ng bilyun-bilyong halaga ay malinaw na paglabag sa National Health Insurance Act of 1995, na inamyendahan at sa Universal Health Care Act.

Ikinatwiran din ng grupo na ang naturang hakbang ay idineklara ng Korte Suprema bilang unconstitutional o labag sa batas.

Ipinunto rin ng grupo na ang P60 billion na inilipat sa national treasury ay inilaan kalaunan para pondohan ang unprogrammed appropriations sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA). Nagdulot umano ang naturang hakbang ng pinsala sa gobyerno, mga miyembro ng PhilHealth at sa publiko, kayat dapat na mapanagot aniya ang mga sangkot.

Matatandaan, noong Disyembre 3 ng nakalipas na taon, nagpasya “unanimously” ang Korte Suprema na ibalik ang P60 billion sa PhilHealth na ini-remit sa National Treasury at permanenteng ipinagbawal ang paglilipat ng natitirang P29.9 billion.