-- Advertisements --

Tuluyang ibinasura ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang reklamong inihain nina dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario laban sa China at kay President Xi Jinping.

Sa naturang reklamo na inihain noong Marso, sinabi nina Morales at Del Rosario na libu-libong mangingisda ang naaapektuhan ng agresibong pag-okupa ng China sa mga isla sa West Philippine Sea bilang base ng kanilang military force.

Giit ng dalawang dating opisyal, maituturing iyon bilang “crime against humanity.”

Gayunman, sinabi ng ICC prosecutor na hindi nila maaaring aksyunan ang isyu dahil hindi kasapi ang China sa Rome Statute na kasunduang bumuo sa nasabing korte.

Sinabi pa nila na hindi nangyari ang usapin sa loob ng teritory ng bansa, kundi sa exclusive economic zone (EEZ) lamang.