-- Advertisements --
Ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang security alert warning para sa mga Filipino na nasa Israel.
Ayon sa DFA, na dahil sa positibong developments ay magiging level 2 na ito o restriction phase na mula sa dating Level 3 na Voluntary Repatriation.
Una na ng ikinatuwa ng gobyerno ng Pilipinas ang kasunduan ng Israel at Iran na magpatupad ng ceasefire.
Base sa pagtataya ng DFA na mayroong 30,000 na mga Pinoy sa Israel kung saan karamihan sa mga dito ay mga caregivers habang 1,100 naman sa Iran.
Tiniyak din ng DFA na kanilang babantayan ng mahigpit pa rin ang kalagayan sa rehiyon at kanilang itataas ang alert level kung kinakailangan.