Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang sa anim na suspek sa pagpatay kay House of Representative Technical Staff Chief Dr. Mauricio Pulhin nitong Hunyo 15 sa Quezon City.
Kinumpirma mismo ni PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na nadakip ng mga otoridad si alyas Balong sa Caloocan City at si alyas Jason naman ay nahuli sa Quezon City.
Ani Fajardo, batay sa mga naging judicial confessions ng mga suspek, sila ay nirentahan ng isang maglive-in partner para paslangin si Pulhin sa halagang P30,000 kada isa ngunit hindi pa daw umano ito nababayaran ng mga mastermind na ito
Nakikita naman na personal na motibo talaga ang dahilan ng pamamaril ng mga suspek dahil na nakatakda umanong pagsasampa ng kaso ng biktima sa mag-live in partners na siya ngayong itinuturing na mastermind sa kaso.
Ang mga kasong isasampa naman sana ni Pulhin sa mga naturang mastermind ay qualified theft at estafa kaya naman inunahan na nila g patayin ang biktima.
Sa kasalukuyan ay nasamoahan ng mga kasong murder ng PNP ang dalawang suspek hbang patuloy naman nang ikinakasang manhunt operations ng mga otoridad sa apat na iba kabilang na rin ang dalawang mastermind nito.