-- Advertisements --

Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. na makakalabas na ng ospital ang kanyang kliyente.

Ayon sa ibinahagi niyang mensahe, ang dating kongresista ay nakakuha na ng ‘clearance to be discharge’ mula sa Philippine General Hospital bukas bago magtanghalian.

Ngunit gayunpaman, mayroon pa rin daw nararanasan si Teves na pananakit ng tyan o ‘abdominal pains’ buhat ng maoperahan kamakailan.

Sa kabila nito’y kinikilala ng kanilang kampo ang ulat na ito at ang muling pagbabalik ni Teves sa kulungan sa Annex 2 ng Bureau of Jail Mangement and Penology o BJMP sa Bicutan ng Taguig City.

Kaya’t dahil dito ay nagpaabot sila ng pasasalamat lalo na sa mga doktor na siyang nangunang umasikaso at nagseguro sa maayos na kalusugan ng dating kongresista.