-- Advertisements --
Muling binuksan ng Philippine Airlines ang kanilang biyahe patungong Middle East simula ngayong araw, Hunyo 25, matapos ang pansamantalang pag-kansela ng mga flight dahil sa tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.
Kabilang sa mga naapektuhang biyahe ang mga flight pa-Doha, Dubai at Riyadh, kasunod ng pag-atake ng Iran sa Al Udeid airbase sa Qatar at ang pansamantalang pagsasara ng airspace sa rehiyon.
Ayon sa PAL, maaaring i-rebook ng mga apektadong pasahero ang kanilang flight sa loob ng 60 araw, i-convert ito sa travel credits, o magpa-refund nang walang penalty maliban sa service charge.
Pinaalalahanan din ng PAL ang mga pasahero na regular na i-check ang flight status bago tumungo sa paliparan.