-- Advertisements --

Malaking hamon ngayon para kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang posibleng panibagong usapan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, habang nagpapatuloy ang digmaan sa rehiyon.

Nag-ugat ito nang magpahayag si U.S. President Donald Trump na bukas siya sa anumang negosasyon sa Iran upang mabawasan ang tensyon, kabilang na riyan ang pagtalakay sa mga limitasyon sa nuclear at ballistic missile programs ng Iran, na itinanggi naman ng Tehran.

Samantala, nanatili ang Iran sa kanilang posisyon, na nagde-demand ng mga compensation at garantiya bago makipag-usap sa Amerika.

Ayon sa mga analyst ”under pressure” si Netanyahu, na itinuturing naging pangunahing nagtataguyod ng agresibong kampanya laban sa Iran.

“Because if there are negotiations, he will not be able to promote the war, and he can’t say to Donald Trump, ‘I’ll continue the war without you’. He understands that he’ll have to accept it,” ani Michael Milstein, former military intelligence officer ng Israel at ngayo’y head ng Palestinian Studies Centre sa Tel Aviv University.

Kung susubukan ni Trump ang negosasyon na hindi umaayon sa layunin ng Israel, maaari daw na mahirapan si Netanyahu na ipatupad ang kanyang strategy kasabay ang pagpapanatili ng suporta ng publiko.

“Netanyahu wants to continue the war. He promised this war would end all the existential threats to Israel, and maybe even promote conditions to change the regime in Iran, and right now there is a gap between his promises and what is happening on ground,” pahayag ni Milstein.

“There is a kind of contradiction between Trump’s stance and Netanyahu’s,” dagdag pa nito.

Habang binabalanse ng Amerika ang diplomasya at patuloy na presensya ng militar nito sa Middle East, nananatiling mas agresibo ang posisyon ng Israel sa rehiyon ito’y matapos ianunsyo ni Israeli Defence Minister Israel Katz na magtatayo sila ng malawak na security zone sa South Lebanon hanggang sa Litani river bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa grupong militante na Hezbollah, na sinusuportahan umano ng Iran.