Inaprubahan na ng Department of Finance ang donasyon ng nasa 1,251.68 litro ng mga nakumpiskang gasolina sa pamunuan ng Philippine Coast Guard.
Ayon sa ahensya, ang green light ay galing mismo kay Finance Secretary Ralph Recto .
Layon ng hakbang na ito na mapalawak ang pagsasagawa ng PCG ng kanilang maritime at security operations sa mga katubigan ng bansa.
Maalalang aabot sa 1,251.68 na litro ng gasolina ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs dahil sa naging paglabag nito sa Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act o paglabag sa fuel marking regulations.
Ang fuele marking ay paghahalo ng chemical identifiers sa mga oil products na tax-paid.
Ito ay malinaw na paglabag sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act at isang paraan ng smuggling ng mga produktong petrolyo.
Ang pag donate ng mga nakumpiskang gasolina ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang paglaban sa smuggling sa bansa.