Ikinumpara ni Palace Press Officer Claire Castro ang mga naging resulta ng foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging byahe ni Vice President Sara Duterte sa abroad.
Kasunod ito ng palitan ng pahayag ng dalawang opisyal tungkol sa kung ano ba talaga ang personal trip at official business trip.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, malinaw na kung dala mo ang posisyon at ang pangalan ng Pilipinas ay official function ito at kailangan magreport sa taumbayan, batay na rin sa Republic Act 6713 o ang “Code of onduct and Ethical Standards for Public Officials.
Tulad na lamang aniya ni Pangulong Marcos na kapag lumalabas ng bansa ay may dalang konkretong ebidensya ng “trabaho” at ibinabalita sa publiko.
Halimbawa ang pagsagip sa buhay ni Mary Jane Veloso sa Indonesia, ang pagpapauwi sa dating kongresista na si Arnulfo Teves at Alice Guo, at ang pagpapalakas ng turismo sa Japan.
Pero sabi ni Castro, kung walang mai-ulat ay baka hindi talaga nagtrabaho.
Giit ni Castro, hindi matatakpan ng mura o pang-iinsulto ang kakulangan sa kaalaman sa batas at ethical standards.