-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Patuloy ang ginagawang pagmamanman ng Police Regional Office o PRO-13 sa mga aktibidad ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army o CPP–NPA sa ika-57 nilang anibersaryo ngayong araw, Disyembre 26.
Ayon kay PMajor Jennifer Ometer, hepe ng Public Information Office ng Police Regional Office 13, mayroon na silang ipinatupad na mga hakbang pangseguridad kahit kakaunti na lamang ang natirang mga mandirigma ng naturang grupo dahil sa pagsuko ng karamihan sa kanilang mga kasamahan at pagkamatay ng iba sa mga engkwentro.
Dagdag pa ni Ometer, hindi dapat maging kampante kahit maliit na lamang ang puwersa ng nasabing grupo, upang matiyak na hindi na sila makapanggulo sa mga mamamayang nasa kabundukan.
















