Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na ang Department of Foreign Affairs ang nakatoka sa pagpapauwi kay dating AKO Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa bansa.
Sa isang panayam , binigyang diin ni Remulla na ang pagpapabalik sa bansa kay Co ay nakadende sa diplomatic channels at mga legal na proseso.
Sa ganitong uri aniya ng usapin ay maaaring panghimasukan at pangunahan ng Department of Foreign Affairs
Ayon sa kalihim , hindi pa nila nairereport sa INTERPOL si Co .
Nakadepende aniya ito sa bigatng mga kasong isasampa laban kay Co at sa magiging status ng case build up.
Naglabas na rin ng arrest warrant ang korte laban kay Co at iba pa dahil sa pagkakadawit nito sa korapsyon sa flood control.
Patuloy naman na itinatanggi ni Co ang mga akusasyon na ibinabato laban sa kanya.















