-- Advertisements --

Sinampahan ng kasong plunder, graft at technical malversation ng grupong Save The Philippines Coalition si Executive Secretary Ralph Recto at dating Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President Emmanuel Ledesma Jr.

Nagbunsod ang kaso sa paglipat ng P60-bilyon na sobrang pondo ng Philhealth sa national treasury.

Sa 15-pahinang reklamo na inihain sa Office of the Ombudsman ay nanawagan sila ng pagtanggal sa puwesto sina Recto at Ledesma.

Sinabi ng mga nagrereklamo na sina Irene Caballes, Elmer Jugalbot, Gerlyn Ogong, Emerita Pecson, Susan Villar, Mussolini Lidasan, Jose Olivar at Jaime Miralles na malinaw ang mga paglabag ng nasabing opisyal.

Ipinilit umano ni Recto na noon ay Finance Secretary na ibalik ang pondo sa national treasury kahit na may mga prohibition sa batas.

Habang si Ledesma ay dapat mapanagot dahil sa hinayaan niya ang nasabing paglipat ng pondo.

Magugunitang noong Disyembre 3 ay naglabas ng kautusan ang Korte Suprema na ibalik ang P60-B sa Philhealth ang pondo na naideposito sa National Treasury.