-- Advertisements --

Nananatiling tahimik lamang si Vice President Sara Duterte sa usapin ng binisita umano nito si dating Negros Oriental representatives Arnulfo Teves Jr sa kulungan nito sa lungsod ng Taguig.

Ang nasabing usapin ay isiniwalat ni Interior Secretary Jonvic Remulla kung saan unang lumabas na si Ramil Madriaga ang binisita nito na kaniyang umanoy bagman.

Nanindigan ang Bise Presidente na hindi niya kilala si Madriaga at hahayaan na lamang niya ang mga sasabihin sa kaniya.

Wala itong kinumpirma at walang itinanggi si Duterte ng tinanong kung binisita nito si Teves sa kulungan.

Magugunitang lumantad si Madriaga na nagpakilalang bilang dating aide ng Bise President kung saan nagbigay umano ng pera sa kampanya ang mga drug dealers at Philippine offshore gaming operators (POGO).