Mayroon pa ring sapat na suporta mula sa kapwa senador para manatili bilang Senate President si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero.
Ayon kay Sen. Joel Villanueva, na tiwala ito na makakakuha ng sapat ng suporta si Escudero.
Dagdag pa nito na nakausap niya ang majority ng mga senators at nagpahayag sila ng suporta.
Nasa 13 mga senators ang nagpahayag ng suporta para kay Escudero na manatili sa Senate president.
Maging siya ay nagpahayag din ng suporta kay Escudero dahil sa magandang trabaho na ipinakita nito.
Si Villanueva na majority leader sa 19th Congress ay nagsabi na kapag nagsimula na ang 20th Congress sa Hulyo ay magiging bakante ang lahat ng mga Senate leadership.
Mula sa Senate president, president pro tempore, majority leader at minority leader ay muling pagbobotohan.