Toronto Raptors

Sasamantalahin ng Toronto Raptor sa Game six ang home court advantage para tapusin na ang serye nila ng Milwaukee Bucks sa Eastern Conference Finals bukas.

Kasunod ito ng pagkapanalo ng Raptors noong game 5 sa court ng Bucks 105-99 at maitala ang 3-2 na kalamangan sa best of seven series.

Sinabi ni Raptors coach Nick Nurse na nagiging maganda ang nilalaro ng kaniyang koponan at desidido silang makapasok sa NBA finals sa kauna-unahang pagpasok nila sa NBA finals.

Tiwala naman ang Bucks na kanilang pipilitin na dalhin ang laban sa game 7 matapos na makita ang ilang mga pagkukulang noong game 5.