-- Advertisements --

Nagpahayag ng interest ang ilang NBA teams para makuha si Golden State Warriors forward Jonathan Kuminga.

Si Kuminga ay bahagi ng 2022 Warriors na nagbulsa ng championship ngunit sa mga sumunod na taon ay naging limitado lamang ang oras na inilagi niya sa hardcourt.

Siya ay isa sa mga nagsilbing bench player ng naturang koponan, kasama ang ilang mga batikang Warriors star.

Batay sa mga lumabas na report sa NBA, kabilang sa mga team na nagpahayag ng interest na makuha ang bagitong forward ay ang Miami Heat, Chicago Bulls, New Orleans Pelicans, at Sacramento Kings.

Si Kuminga ay isang restricted free agent, kaya’t may tyansa rin ang GSW na mag-alok ng magandang kontrata para sa kaniya, tulad ng mga alok ng iba pang bigating team.

Sa kasalukuyan, wala pang konkretong plano na inilalabas ang kampo ni Kuminga at ng Golden State habang nagpapatuloy ang pakikipag-usap ng kampo ng 1-time NBA champion sa ibang koponan.

Taong 2021 noong na-draft ang bagitong power forward bilang 7th overall pick.

Sa kaniyang karera sa NBA, nagagawa niyang magpasok ng 12.5 points per game gamit ang mahigit 50% field goal percentage.