-- Advertisements --

Muling nagpakita ng 4th quarter clutch performance ang rising team na San Antonio Spurs matapos nitong ipabalikat sa Golden State ang 13-point loss, 126-113.

Nagawa pa ng Warriors na tumbasan ang lakas ng San Antonio hanggang sa 3rd quarter sa kabila ng hindi paglalaro ng superstar ng koponan na si Stephen Curry.

Natapos ang 3rd quarter na bitbit ng dalawang team ang parehong 94 points.

Gayunpaman, biglang umarangkada ang San Antonio sa huling quarter at sa loob ng 12 mins. at ipinalasap sa 2022 NBA champion ang 32-19 run, daan upang ibulsa nito ang 13-point win.

Nanguna sa comeback ng Spurs ang bigman na si Victor Wembanyama na kumamada ng 26 points, 9 rebounds, at dalawang blocks.

Hindi umubra ang halos triple-double performance ng defensive specialist na si Draymond Green na kumamada ng 17 points, 12 rebounds, at walong assists sa kabuuan ng laban.

Ito na ang ika-26 na pagkatalo ng Golden State habang hawak nito ang 29 wins. Hawak naman ng Spurs ang 38-16 win-loss record, pangalawang pinakamagandang kartada sa western conference ng NBA.