-- Advertisements --

Binigo ng Boston Celtics ang Golden State Warriors sa unang laban matapos ang ilang araw na All-Star Break.

Napigilan ng Boston ang pagtatangka ng Warriors na 4th quarter comeback, sa tulong na rin ng triple-double performance ni Celtics star Jaylen Brown: 23-25-13 (pts-rebs-assts split).

Hawak kasi ng Boston ang 29 points na kalamangan sa pagtatapos ng 3rd quarter ngunit tinangka pa rin ng Warriors na burahin ito sa pagsisimula ng 4th quarter.

Gayunpaman, tanging 18 points lamang ang nagawang burahin ng 2022 NBA champion sa tulong ng 37-19 run, at tuluyang natapos ang laban sa score na 121-110.

Ito ang unang paglalaro ni dating Boston bigman Kristaps Porzingis sa Golden State kasunod ng kaniyang trade bago ang All Star.

Sa naging debut ng bigman, kumamada siya ng 12 points at isang block bilang reserve center.

Nananatiling nasa ikawalong puwesto ang Golden State sa western conference, hawak ang 29-27 win-loss record. Hawak naman ng Boston ang kartadang 36-19.