Hindi pa makakabalik sa paglalaro si NBA superstar Stephen Curry, kasabay ng tuluyang pagtatapos ng ilang araw na All-Star break.
Muli kasing sumailalim sa Magnetic Resonance Imaging (MRI) ang batikang guard dahil sa kaniyang tinamong minor injury sa kanang tuhod.
Lumalabas sa resulta ng MRI na walang structural damage o mabigat na pinsala sa tuhod ng 4-time NBA champion at nananatiling maayos ang kondisyon ng kaniyang paa, sa kabila ng ilang araw nitong pananakit.
Muli rin siyang sasailalim sa re-evaluation sa loob ng sampung araw bago tuluyang makabalik sa hardcourt.
Bago ang All-Star Game nitong kalagitnaan ng Pebrero ay hindi na nakakapaglaro ang batikang guard.
Muli namang sasabak sa game ang Golden State Warriors ngayong araw laban sa Boston Celtics.
Sa kasalukuyan, hawak ng GS ang win-loss record na 29-26, habang mayroon na lamang mahigit 25 games bago tuluyang matapos ang regular games ng 2025-2026 season ng NBA.
















