-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Justcie Secretary Jesus Crispin Remulla na kanyang naisumite na ang aplikasyon bilang pagka-Ombudsman.

Sa naganap na maikling pulong balitaan, kanyang inihayag na siya’y nakapagpasa na ng pirmadong dokumento sa Judicial and Bar Council.

Kanya na raw itong naisumite kahapon pa nang matanong ngayong araw hinggil kanyang aplikasyon bilang Ombudsman.

Matatandaan kamakailan na ibinahagi ni Justice Secretary Remulla ang kanyang interes sa Office of the Ombudsman dahil sa aniya’y marami naman siyang maibabahagi dito.

Si Remulla ay ang kasalukuyang kalihim ng Department of Justice at kung sakaling siya ang maitalaga sa naturang posisyon, kanyang papalitan si outgoing Ombudsman Samuel Martires na magreretiro sa darating na July 27.

Habang ang proseso naman nito ay dadaan muna ang kanyang aplikasyon sa Judicial and Bar Council para sa deliberations at public interviews.

Matapos naman nito ay isusumite ng JBC ang mga nominado sa posisyong pagka-Ombudsman sa kasalukuyang presidente ng bansa na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa appointment.

Ngayong Biyernes, ika-apat ng Hulyo ay ang siyang itinakdang huling araw ng aplikasyon o nominasyon ng Judicial and Bar Council para sa naturang posisyon.