Pumirma na ng dalawang-taong kontrata ang bigman na si Deandre Ayton kasama ang Los Angeles Lakers.
Kalakip ng naturang kontrata ay ang ‘player option’ sa ikalawang taon. Ibig sabihin, mabibigyan si Ayton ng pagkakataong pumili kung mananatili pa siya sa Lakers sa huling taon o lilipat na lamang sa ibang koponan.
Ang bagong kontrata ng bigman sa Lakers ay nagkakahalaga ng $16.6 million ngunit tatanggap pa ito ng karagdagang $25.6 million mula sa kaniyang dating team na Portlands Trailblazers dahil kasunod ng naging buyout decision.
Inaasahang magiging starting center ng Lakers si Ayton pagpasok ng 2025-2026 season, kasama si Lebron James.
Makakasama rin ng bigman ang dati nakasabayan nito sa 2018 NBA draft na si Luka Doncic – si Ayton ang naging No. 1 pick sa naturang draft habang pangatlo naman si Doncic.
Sa nakalipas na season, nagposte ang naturang bigman ng double-double average na 14.4 points per game at 10.2 rebounds per game. Nagawa din niyang panatilihin ang 56.6$ shooting sa naturang season.
Lumalabas sa ilang ulat sa NBA na bago nagdesisyon si Ayton na pumirma ng kontrata sa Lakers ay nilapitan siya ng ilang bigating team tulad ng Indiana Pacers, New York Knikcs, LA Clippers, Milwaukee Bucks, Denver Nuggets, at Cleveland Cavaliers.