-- Advertisements --

Tinalo ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers, 99–94, kahit kulang ito sa manlalaro. Bumida si Pat Spencer sa kanyang unang NBA start, na nagtala ng career-high 19 points kabilang ang 12 sa sa last quarter at sinelyuhan ang panalo sa dalawang crucial free throws matapos magmintis si Donovan Mitchell ng potential game-tying three.

Nag-kapagambag naman si Gui Santos ng 14 points mula sa bench, habang sina Buddy Hield at Quinten Post ay nagbigay ng suporta para hindi na makabawi ang Cavs sa second half.

Samanatala pinangunahan naman ni Mitchell ang Cleveland na may talang 29 points, ngunit kinapos ang koponan sa opensa, nagtala ng season-low 34.6% shooting. Nagdagdag din si Evan Mobley ng 18 points at 10 rebounds.

Ito na ang ikalima nilang talo sa huling pitong laro, habang ang Warriors ay muling nakabalik sa panalo matapos ang dalawang sunod na pagkatalo.