Hindi muna makakapaglaro ng 2 hanggang 4 na linggo ang Cleveland Cavaliers All-Star center at reigning NBA Defensive Player of the Year na si Evan Mobley matapos na makaranas ng left calf strain sa laro kontra Washington Wizard.
Tumala pa ng 23 points, 13 rebounds at nagkamada ng 6 na assist sa loob ng 36 na minuto si Mobley bago ito makaranas ng pananakit sa binti na nagging dahilan para maaga itong umalis sa laro.
Si Mobley ay napiling 3rd pick ng Cavs noong 2021 NBA Draft, sa kasalukuyan ay pinangungunahan niya ang kanyang koponan sa rebounds sa records na 9.3 rebounds per game, habang nakakapagtala naman ito ng 1.6 blocks per game at nag aambag naman sa kanyang kopanan ng 19.1 points per game.
Sa ngayon ay nasa ika-7 pwesto ang Cleveland sa Eastern Conference na may standing na 15-11
















