-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng RnB singer na si Coco Jones ang pag-alok ng kasal sa kaniya ng nobyong si Donovan Mitchell.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ang singer na may suot na engagement ring na bigay ng Cleveland Cavaliers guard.

Isinagawa ang proposal sa isang sunset habang ang dalawa ay nasa dagat.

Ang 23-anyos na si Mitchell at 27-anyos na si Jones ay hindi isinasapubliko ang relasyon kahit na palagi silang nakikitang magkasama sa publiko.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga malalapit na kaibigan ganun din sa ilang mga NBA players.