-- Advertisements --

Tinapos na ng Indiana Pacers ang serye nito laban sa top eastern conference team na Cleveland Cavaliers matapos ibulsa ang Game 5 at selyuhan ang serye, 4-1.

Panibagong team effort ang ipinakita ng Pacers kung saan limang players nito ang kumamada ng double-digit score sa pangunguna ng star guard na si Tyrese Haliburton na nagbulsa ng 31 points at walong assists. Nag-ambag naman ng 21 points ang NBA champion na si Pascal Siakam, kasama ang walong rebounds.

Hindi pa rin naisalba ni Donovan Mitchell ang kaniyang koponan sa kabila ng all-around play – 35 points at siyam na rebounds.

Naging matagumpay muli ang 3rd-quarter run na ginawa ng Pacers tulad ng mga nakalipas nitong game sa serye.

Bagaman pinilit ng Cavs na pahabain pa ang serye at sa pamamagitan ng early run sa 4th quarter, tuluyan itong hinabol ng Pacers sa kalagitnaan ng quarter hanggang sa matapos ito sa all-29 at iposte ang 9-point lead, 114-105.

Sa Game 5, hawak pa rin ng Indiana ang impresibong opensa, gamit ang 50% field goal percentage habang nagbuhos din ito ng 15 3-pointers sa kabuuan ng laban.

Ito na ang ikalawang magkasunod na season na makakapasok ang Pacers sa conference finals. Noong 2024 ay nakalaban ng Pacers ang Boston ngunit tuluyan din itong natalo hanggang sa kinalaunan ay kinoronahan ang Boston bilang 2024 Champion matapos nitong talunin ang Dallas Mavericks.

Sa kasalukuyan, maghihintay pa ang koponan ng sinumang mananalo sa pagitan ng News York Knicks at Boston Celtics na makakalaban sa finals ng eastern conference.