-- Advertisements --

Panalo ang Golden State Warriors sa laban kontra Dallas Mavericks sa NBA Christmas Day games ngayong araw, Dec. 26.

Pinangunahan ni NBA star Stephen Curry ang panalo ng GS, gamit ang 23 points mula sa kaniyang anim na field goals at siyam na free throws.

Muli ring nagpakitang-gilas ang mga bench player ng Warriors matapos kumamada ang mga ito ng pinagsama-samang 64 points. Apat sa mga bench player ng koponan ang gumawa ng double-digit scores sa pangunguna ni De’Anthony Melton.

Napigilan ng Warriors ang tangkang comeback ng Dallas sa pangunguna ng rookie na si Cooper Flagg na kumamada ng 27 points at anim na rebounds.

Sa unang kwarter ng laban, agad nagbuhos ng 40 points ang Golden State habang tanging 28 points ang naiganti ng Mavs.

Pinilt pa ng Dallas na bumangon mula sa 3nd hanggang sa 4th quarter ngunit sa kabila ng dominanteng run, tanging 3 points ang nagawa nitong burahin mula sa 1st-quarter deficit na dinanas.

Nagawa ng Golden State na magpasok ng 14 3-pointers sa kabuuan ng laban habang tanging apat na tres lamang ang naging kasagutan ng Mavs.

Dahil sa panalo ng GS, balik na ito sa above .500, hawak ang 16-15 win-loss record. Hawak naman ng Dallas ang 12-20 na kartada.