Panalo ang Atlanta Hawks laban sa 2022 NBA champion na Golden State Warriors, kasunod ng duminante nitong performance, 124-111.
Tinangka pa ng Golden State na gumawa ng 4th-quarter scoring run upang habulin sana ang 16-point deficit na dinanas sa pagtatapos ng 3rd quarter ngunit tanging tatlong puntos ang nagawang burahin ng koponan.
Nasayang ang parehong 30-plus-point performance ng dalawang Warriors shooter na sina Jimmy Butler at Stephen Curry, lalo at walang ibang player ng koponan na nakapagpasok ng double-digit scores.
Labis na nahirapan ang Warriors sa 3-point line, di tulad ng mga dating performance ng koponan. Umabot lamang kasi sa sampung 3-pointers ang naipasok nito mula sa 42 na pinakawalan, na katumbas lamang ng 24%.
Umabot din sa 15 turnover ang nagawa ng GS, mahigit 50% na mas mataas kumpara sa Atlanta, bagay na sinamantala ng winning team.
Nanguna sa panalo ng Hawks ang forward na si Jalen Johnson na kumamada ng 23 points at 11 rebounds. Ito rin angunang paglalaro ni dating Washing Wizards guard CJ McCollum bilang Hawks reserve at sa kaniyang debut ay kumamada siya ng 12 pts at apat na assists.
Unang lumipat si McCollum mula sa Wizards kapalit ng All-Star guard na si Trae Young, ilang araw pa lamang ang nakalilipas.
















