-- Advertisements --

Pinangunahan ni Jimmy Butler ang panalo ng Golden State Warriors laban sa Eastern Conference No. 2 team na New York Knicks.

Gumawa si Butler ng 32 points sa naturang laban mula sa 14 field goals na ipinasok, kasama ang walong rebounds at dalawang steal.

Nag-ambag naman si NBA superstar Stephen Curry ng 27 points, pitong assists, at tig-isang steal at block.

Naging dominante ang laro ng Warriors sa kabila ng tuloy-tuloy na paghahabol ng Knicks, kung saan mula second quarter hanggang sa huling quarter ay nagawa ng Warriors na panatilihin ang kanilang lead.

Nasayang naman ang tig-50 points nina Knicks forward OG Anunoby at guard Miles McBride, kasama ang 20 rebounds na ambag ng bigman na si Karl-Anthony Towns.

Hindi kinaya ng Knicks ang 54% overall field goal percentage ng Golden State, kabilang ang impresibong 20 3-pointers.

Sa unang bahagi ng laban, nagawa pa ng Knicks na lumamang ng hanggang 17 points ngunit mabilis din itong nahabol ng Golden State.

Dahil sa panalo, hawak na ng Golden State ang 23-19 win-loss record, habang 25-15 naman ang kartada ng Knicks.