-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record sa NBA si Los Angeles Lakers star LeBron James.

Sa edad kasi na 41 ay nagtala ito ng triple-doubles ng talunin nila ang Dallas Mavericks 124-104.

Sa nasabing laro ay nagtala si James ng 28 points, 10 rebounds at 12 assists.

Dahil dito ay nahigitan na niya si Karl Malone na nagawa din ang parehas na record sa edad na 40 anyos at 127 na araw.

Nagawa ni Malone ang nasabing triple double ng manalo ang Lakers laban sa San Antonio Spurs noong Nobyembre 28, 2003.