-- Advertisements --

Nakasama sa listahan ng Rock and Roll Hall of Fame ang beteranong singer na si Phil Collins.

Sa inilabas ng US-based institution ay isa si Collins sa 17 mga artists na nominado ngayong taon.

Kasama niya sa listahan sina Jeff Buckley, Lauryn Hill at Mariah Carey ganun din ang Wu-Tang Clan.

Dalawang beses ng nominado ang Oasis at Carey habang ang singer na si Pink ay eligible na.

Ilan sa mga first time nominees ay sina INXS, Shakira at Luther Vandross.

Habang ang mga nagbabalik ay sina Billy Idol, bandang Iron Maiden, Mariah Carey at Sade.

Ang 75-anyos na si Collins ay dating miyembro ng bandang Genesis noong 2010 at nagpasikat ng kantang “Against All Odds” at maraming iba pa.