-- Advertisements --

Nakahakot ng mahigit dalawang milyong fans ang nanood sa konsiyerto ng singer na si Shakira sa Brazil.

Ayon sa mga opisyal ng Rio de Janeiro na napuno ang Copacabana Beach kung saan ginanap ang nasabing konsiyerto.

Ito na aniya ang tinaguriang pinakamalaking konsiyerto ng Colombian pop star sa kaniyang career.

Ang pagsasagawa ng konsiyerto ng mga international stars ay paraan ng local na gobyerno para makahakot ng mga bisita at turista na bibisita sa kanilang bansa.

Ilan sa mga nagsagawa na ng mga show na humakot ng milyon fans ay sina Madonna at Lady Gaga.

Labis naman ang kasiyahan ng 49-anyos na singer dahil sa walang sayang pagsuporta ng kaniyang mga fans.

Base sa pagtaya naman ng mga Brazilian officials na kumita ang singer ng nasa $161.45 milyon.

Ang nasabing konsiyerto ni Shakira ay bahagi ng kanilang “Todo Mundo no Rio” na ginaganap tuwing buwan ng Mayo.