Panalo ang Denver Nuggets sa New Year match nito laban sa Toronton Raptors sa kabila ng hindi paglalaro ni 3-time NBA MVP Nikola Jokic.
Napigilan ng Nuggets ang strong 2nd half game ng Toronto na pinangunahan ng sentrong si Scottie Barnes na muling gumawa ng triple-double performance: 20 points, 14 rebounds, at sampung assists
Pinilit ng Toronto na bumangon mula sa single-digit, 1st-quarter deficit at unti-unti itong naibaba sa anim na puntos sa pagtatapos ng 3rd quarter.
Gayonpaman, hindi pa rin kinulang pa rin ang comeback effort ng koponan sa pagtatapos ng regulation sa 4th quarter, 106-103.
Pinangunahan ng point guard n si Jamal Murray ang opensa ng Nuggets sa kaniyangg 21 points, 7 rebounds, at anim na assists, kasama ang tig-sang steal at block.
Sumentro naman kay Jonas Valencuinas ang depensa ng koponan at sa loob ng 23 mins niyang paglalaro ay kumamada siya ng pitong rebounds, isang steal, at tatlong blocks.
Maalalang pinagbawalan munang maglaro si Nuggets bigman Nikola Jokic dahil sa minor injury, ilang araw na ang nakakaraan. Kasalukuyan pa ring nagpapagaling ang 3-time MVP ngunit napanatili ng kaniyang koponan ang 20 loss at 23 wins.
















