Nangunguna pa rin ang defending champion na Oklahoma City Thunder sa pinakahuling power ranking na inilabas ng liga.
Ito ay sa kabila ng ilang pagbabago sa roster ng koponan, ilang lingo matapos ang 2025 championship. Kabilang sa mga player ng koponan na nagdesisyong umalis ay sina Dillon Jones, Kenrich Williams, at Colby Jones.
Ayon sa liga, hawak ng 2025 NBA champion ang hanggang 11.8 point differential sa bawat matchup.
Nagawa rin ng Thunder na dumanahin ang 71 regular-season games nitong nakalipas na season kung saan sa bawat laro ay lamang ang koponan ng double-digit. Walang ibang team ang nakagawa nito sa nakalipas na 29 season.
Maliban dito, nagtala rin ng Thunder ng maraming comeback win (18-10) kahit na ang deficit ay umaabot pa sa double-digit.
Pangalawa sa bagong power ranking ang 2023 NBA champion na Denver Nuggets habang pangatlo ang Houston Rockets.
Hawak naman ng Minnesota Timberwolves ang ika-apat na pwesto habang ang Los Angeles Clippers ang nasa pang-limang pwesto.
Ang dalawang bigating team na Los Angeles Lakers at Golden State Warriors ay magkasunod sa ika-anim at ika-pitong pwesto.
Nananatili pa ring kulelat ang Utah Jazz sa ika-15 o huling pwesto sa western conference.