-- Advertisements --

Dinala ng Portland Trailblazers sa overtime ang laban kontra sa playoffs-bound na Denver Nuggets ngayong April 7.

Nagawa ng Blazers na sabayan ang mas magaling na team, at ipinoste ang all-125 sa pagtatapos ng 4th quarter.

Gayonpaman, nabigo na ang Blazers na panatilihin ang depensa nito sa pagpasok ng 5-min overtime at tuluyang nalasap ang 12-7 dominant OT win ng 2023 NBA champion.

Tinapos ng Nuggets ang laban, 137-132 at ibinulsa ang ika-51 panalo ngayong season.

Muling gumawa ng triple-double performance ang bigman ng Denver na si Nikola Jokic – 35 pts, 14 rebs, at 13 assists. Gumawa din siya ng dalawang block at tumipa ng limang steals. Ibinabad si Jokic sa hardcourt sa loob ng 43 mins.

Si Jokic din ang nanguna sa OT offense ng Denver sa tulong ng kaniyang all-around performance.

Sa Blazers, nasayang ang 30 points ng bagito nitong forward na si Toumani Camara, mula sa kaniyang sampung field goals; walo sa naturang FG ay pawang mga 3-pointers.

Sa kasalukuyan, pasok na sa Play-In Tournament ang Portland, hawak ang win-loss record nma 40-39 at posibleng makakaharap ang Golden State Warrios kung sakaling hindi magbabago ang kartada.