Nananatiling undefated ang Memphis Grizzlies sa pagsisimula ng 2026-2027 NBA Season, hawak ang win-loss record na 5-0.
Itinumba ng koponan ang Portland Trailblazers ngayong araw (Oct 30), 124-103, gamit ang matinding depensa sa mga batikang Portland players.
Binantayan ng Grizzlies ang sharpshooter na si Damian Lillard na nagresulta sa kaniyang nakakadismayang shooting performance. Mula sa 13 shots na pinakawalan ni Lillard, tatlo lamang ang kaniyang naipasok.
Minalas din ang sharpshooter sa 3-point line dahil tanging isang 3-pointer ang naipasok mula sa siyam na kaniyang pinakawalan sa kabuuan ng laban. Sa huli, nagkasya lamang si Dame Time sa 9 points, dalawang rebounds, at dalawang assists.
Sa kabilang banda, walong Memphis players ang gumawa ng double-digit performance sa pangunguna ni Cameron Boozer. Gumawa ang bagitong forward ng 18 points, 12 rebounds, at 12 assists.
Ito ang unang career triple-double performance ng bagitong NBA player, hawak ang plus 20 sa pagtatapos ng laban.
Nagawa pa ng Portland na makipagbakbakan sa pagsisimula ng laban kung saan natapos ang 1st half na tabla ang score ngunit tuluyan na silang natambakan sa 3rd at 4th quarter hanggang matapos ang regulation sa 124-103, pabor sa mga bagitng Grizzlies.
Ang Grizzlies, kasama ang Houston Rockets, ang natitirang NBA team ngayong season na nananatiling undefeated, hawak ang parehong 5-0 na win-loss record.













