-- Advertisements --

Nagdagdag ng panibagong shooter ang Golden State Warriors para sa paghahanda sa 2026–2027 NBA Season matapos pumayag ang batikang free agent forward na si Georges Niang sa isang one-year, $3.9 million deal.

Papasok na si Niang sa kaniyang ika-11 season sa NBA, kung saan mayroon siyang impresibong career average na 40% sa three-point shooting.

Ang pagdating ng veteran forward ang kukumpleto sa ika-15 roster spot ng Warriors para sa susunod na panahon, at inaasahang makakasma na siya agad sa nalalapit na training camp ng koponan.

Hindi nakapaglaro si Niang nitong nakaraang 2025–2026 Season dahil sa natamo niyang foot stress injury, dahilan upang tuluyan siyang bitawan ng kaniyang dating koponan na Memphis Grizzlies noong Pebrero hanggang sa mapunta sa free agency.

Inaasahang magiging mahalagang palaman si Niang sa forward position ng Golden State bilang isang reliable reserve player mula sa bench upang magbigay ng dagdag na offensive firepower.