-- Advertisements --

Pasok na sa ikalawang round ng Playoffs ng PBA ang San Antonio Spurs matapos talunin nila ang Portland Trail Blazers 114-95.

Pinangunahan ni Victor Wembanyama ang Spurs na nagtala ng 17 points at 14 rebounds para maitala ang 4 panalo habang isang panalo sa Portland sa kanilang best of seven playoffs ng Western Conference.

Sa Eastern Conference naman ay napigilan ng Philadelphia 76ers ang Boston Celtics para i-sweep sa 4-0 ang playoffs.

Hindi hinayaan ng Sixers na tuluyan silang mabura sa play-offs kaya naitala nila ang 113-97 na panalo.

Bumida naman sa Sixers si Joel Embiid na nagtala ng 33 points at walong assists.