-- Advertisements --

Pumanaw ang manlalaro ng Memphis Grizzlies na si Brandon Clarke sa edad na 29, ayon sa opisyal na pahayag ng koponan nitong Martes.

Hindi pa inilalabas ang sanhi ng kanyang pagkamatay, ngunit nagpahayag ng pakikiramay ang NBA at mga kasamahan niya sa koponan.

Si Clarke ay kilala bilang isang masipag na forward na naging bahagi ng NBA All-Rookie First Team noong 2020.

Bago ang kanyang pagpanaw, nakaranas siya ng ilang injury na nakaapekto sa kanyang paglalaro sa mga nakaraang season.

Ang kanyang biglaang pagpanaw ay nagdulot ng matinding lungkot sa mundo ng basketball, lalo na sa mga tagahanga ng Memphis Grizzlies.