-- Advertisements --

Nakumpleto na ang 2026 Playoffs picture kasunod ng pagtatapos ng Play-In Tournament ngayong araw, April 18.

Sa postseason, 16 na NBA team ang maglalaban para sa pinaka-aasam na championship trophy sa pagtatapos ng 2025-2026 season.

Sa pagsisimula ng Playoffs, hawak pa rin ng Oklahoma City Thunder ang pinakamagandang NBA record at sinusundan ng San Antonio Spurs. Ang dalawang koponan ang una at ikalawang team sa western conference.

Hawak naman ng Detroit Pistons ang top spot sa eastern conference.

Ang Pistons, San Antonio, at Thunder ang tanging team ngayong season na nakapagbulsa ng 60 wins.

Samantala, batay sa schedule ng torneyo, unang maghaharap ang 4th at 5th team na Cleveland Cavaliers at Toronto Raptors na nakatakda bukas, April 19. Ito ang tanging matchup sa unang araw ng playoffs.

Sa susunod na araw, walong koponan ang maglalaban na pangungunahan ng Denver Nuggets vs Minnesota Timberwolves at New York Knicks at Atlanta Hawks.

Inaasahang magsisimula ang semifinals sa kalagitnaan ng Mayo habang ang Conference Finals ay tinatayang magsisimula sa huling bahagi ng naturang buwan.

Nakatakda ang unang Finals game sa June 3, 2026.