-- Advertisements --

Lumipat na sa Minnesota Timberwolves si Atlanta Hawks player Jonathan Kuminga.

Mayroong $13-milyon kontrata ito sa Wolves sa loob ng dalawang taon.

Mas pinili pa kasi ng 23-anyos na si kuminga ang Minnesota kaysa sa Los Angeles Lakers, Chicago Bulls at Portland Trail Blazers.

Dahil dito ay makakasama niya sina LaMelo Ball, Anthony Edwards, Jaden McDaniels at Rudy Gobert.

Si Kuminga ay pampitong overall pick sa 2021 NBA Draft ng Golden State Warriors bago naitrade sa Hawks noong nakaraang taon.

Sa kaniyang 16 regular season games sa Hawks ay mayroong average ito na 12.3 points, 5.3 rebounds, 2.1 assists at 0.9 steals.