Nabigyan na ng clearance si Donte Divicenzo para muling makapaglaro, kasunod ng kaniyang rehabilitasyon mula sa Achilles injury.
Lumabas ang medical clearance ng batikang shooter, 213 araw mula nang magka-injury sa kaniyang kanang paa.
Dahil dito, sisimulan na niya ang ilang serye ng practice sa mga susunod na araw tulad ng mga individual at team exercise.
Kung magtutuloy-tuloy ang progreso ni Divicezo, posibleng makabalik na siya sa paglalaro pagsapit ng January o sa kalagitnaan ng Regular Season.
Gayonpaman, hindi pa naglalabas ang Minnesota Timberwolves ng timelime para sa tuluyang pagbabalik ng kanilang shooting guard.
Abril-25 (2026) nang dumanas si Divicenzo ng torn Achilles injury. Hinaharap noon ng Wolves ang Denver Nuggets sa Game 4 ng kanilang first-round playoff series.
Agad din siyang sumailalim sa surgery kinabukasan at matapos ang matagumpay na operasyon ay sumailalim sa sa mahaba-habang rehabilitasyon.












