-- Advertisements --

Tuloy-tuloy na ang pagkamit sa pangarap ni Gilas Pilipinas player Kevin Quiambao na makapaglaro sa NBA.

Napili siya sa ng Sacramento Kings na sumali sa kanilang training camp.

Layon ng dating De La Salle University star na sa pagsali niya sa NBA Summer League ay ma-enganyo niya ang ilang mga basketball scouts mula sa liga.

Sa paglalaro kasi nito sa Korean Basketball League (KBL) ay mayroong average ito na 16.9 points, 6.3 rebounds, 3.9 assists at 1.3 steals sa loob ng 23 laro.

Inaasahan din na babalik ito sa KBL na Goyang Sono Skygunners kung saan pumirma siya ng tatlong taon na kontrata.