Ipinagtanggol ng negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang ang aktres na si Gretchen Barretto hinggil sa pagkakadawit nito sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Kung saan, pinabulaanan ng naturang ‘gaming industry tycoon’ na mayroong katotohanan ang pagiging sangkot o kabahagi umano ni Gretchen Barretto sa pagkawala ng mga sabungero.
Ang naturang aktres kasi ay pinaratangan ni alyas ‘Totoy’ o Julie ‘Dondon’ Patidongan, na mayroon umanong nalalaman ukol sa kaso.
Kaya’t ang negosyanteng si Atong Ang ay iginiit na walang kinalaman si Barretto at binigyang diin na kasamahan lamang raw niya ito sa grupo.
Aniya’y isa si Gretchen Barretto sa mga investor na kabilang sa kanilang samahan na ‘Group A’ at ginagamit lamang raw para sa marketing ng negosyong sabong.
Bunsod nito’y naniniwala ang kanilang kampo na hindi dawit ang kilalang aktress sa anumang kalokohan o ilegal na Gawain.
Maging si Charlie ‘Atong’ Ang ay itinanggi ang alegasyong pagiging sangkot niya din sa kaso bilang umano’y ‘mastermind’ sa pagkawala ng mga sabungero.
Kaya’t kanyang isinapormal ang patung-patong na mga reklamo laban kay alyas ‘Totoy’ hinggil sa mga alegasyon nito.
Ngunit ang matatandaan naman na nauna ng inihayag ng Department of Justice na mayroong bigat at kredibilidad ang hawak nilang testimonya mula kay alyas ‘Totoy’ hinggil sa isyu ng ‘missing sabungeros’.