Muling tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng available na pamamaraan upang matunton at tuluyang madakip ang negosyanteng si Atong Ang.
Sa pahayag ni Justice Secretary Fredderick Vida, kumpiyansa ang ahensya na hindi pa nakakalabas ng Pilipinas ang akusado, base na rin sa hawak na impormasyon ng mga awtoridad.
Binigyang-diin ng kalihim na nagpapatuloy at mas pinaigting pa ang operasyon ng iba’t ibang law enforcement agencies para sa agarang ikadarakip ni Ang.
Bilang dagdag na hakbang, nakipag-ugnayan na rin ang DOJ sa diplomatic community at mga kaalyadong bansa upang masiguro ang mahigpit na pagbabantay sakaling tangkain nitong tumakas.
Si Ang ay nahaharap sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention na nag-ugat sa kontrobersyal na kaso ng pagkawala ng mga sabungero.
Kasalukuyan itong may nakabinbing warrant of arrest.
















